Friday, April 4, 2008

Blog Begins at 40

Si Dr. Roland B. Tolentino ng UP-Diliman ang nagsagest sa akin na mag-blog daw ako. Bagay raw sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin ng "bagay". Apat na taon na yata ang nakakaraan nun. Minsan naman nag-email ang isa kong dating estudyante, nagtatanong kung may blagsayt nga raw ako. Me nabasa raw kasi siya sa isang blog na nagtatanong din kung may blog ako na puwede nitong mabasahan ng mga bugtong ko. Noon ko pa naman talaga balak mag-blog pero hindi matuloy-tuloy dahil sa marami at iba't ibang dahilan (read: alibi)...

Matanda na yata tayo para sa blog...pero sige lang...subukan nating simulan... o simulan nating subukan...


May hihigit pa sa tao...at iyan ay mga puno...

Piktyur! Piktyur!







Baka me hindi pamilyar sa ginamit kong larawan. Self-portrait po iyun ni Vincent Van Gogh. Wala pa akong mahagilap na malupet na piktyur ko e. Pagtiyagaan nyo muna si Enteng, me tenga pa naman yata siya sa portrait na yan...naalala ko tuloy yung isang joke...Where did Vincent Van Gogh?
May hihigit pa sa tao...at iyan ay mga puno...

Donselyo


Virgin pa ako sa pagba-blog. exayted pero ngayon pa lang ay napapagod na ako. Baka kasi pag naumpisahan, di na huminto sa pagsusulat. Dami pa namang mas importanteng kailangang sulatin.

Pero nandito na tayo...Blog-an na!
May hihigit pa sa tao...at iyan ay mga puno...